176

Jun 6, 2021 @ 19:25
By

John Lloyd, nanibago sa pagbabalik-TV

Emosyonal ang aktor na si John Lloyd Cruz sa muli niyang paglabas sa telebisyon nitong Linggo.

Matapos ang apat na taon ay muling nakita ng madla ang kagwapuhan ni John Lloyd sa Shopee Mid-Year Sale TV program sa GMA 7, kung saan kasama niya si Willie Revillame.

Dito ay pinakita pa nga ng aktor ang mga nanginginig niyang mga kamay na dala na rin ng kaba matapos ang matagal na pagpapahinga sa showbiz.

Inilahad rin ni John Lloyd na excited siya sa kanyang pagbabalik at handa na rin daw siyang umibig muli.

Dahil dito’y naging trending sa Philippine Twitter ang aktor nitong Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?