82

John Lloyd naispatan sa UP Diliman

Sharing is caring!

Anong gagawin mo kung makakasabay mo si John Lloyd Cruz sa jeep?

“Yung nakasabay mo si John Lloyd Cruz sa Ikot (huhu ang pogi pa rin).”

Na-experience ito ng netizen na si Pauline Macam nang saktong makasabay niya ang Kapamilya actor sa isang jeep sa University of the Philippines-Diliman.

Matatandaang nakikita na si JLC sa iba’t ibang lugar. Una siyang nakita na nagja-jamming kasama ang mga kaibigan sa isang bar sa Cebu. Sunod naman ay sa isang fruit stand sa Pasig City.

Wala namang update kung tuluyan na ngang magbabalik si JLC sa ABS-CBN matapos mag-leave.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?