23

Nov 22, 2021 @ 13:55
By

John Lloyd kay Ellen: ‘I wish her all the happiness’

Wala nang ibang mahihiling si John Lloyd Cruz para sa dating kasintahang si Ellen Adarna kundi ang kasiyahan nito sa pagbuo nito ng sariling pamilya.

Si Ellen, na ina ng anak ni John Lloyd na si Elias, ay ikinasal kay Derek Ramsay kamakailan.

Sa panayam sa kanya ni Jessica Soho, walang bahid ng sama ng loob si John Lloyd kay Ellen, bagkus ay masaya pa nga siya para rito.

“Finally, she found the one,” ani John Lloyd. “You have to put it in context, and I have to be very careful because that’s her life. Nagsisimula at matatapos sa anak namin yung aking masasabi patungkol sa kanya or sa buhay niya.”

“Kaya when talking about her, I need to be very careful.”

“Siyempre, sincerely, I wish her all the happiness in the world. And I wish them both a strong and fun marriage. Kasi vital ‘yan sa welfare at sa growth ng anak ko,” dugtong pa ng aktor.

Ang panayam kay John Lloyd sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ ay parte ng pag-welcome sa kanya ng bago niyang network. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?