601
lolit-solis
Jan 8, 2018 @ 19:37
By

John Lloyd ininsulto si Lolit Solis sa pasabog na kasal

Isang malakas na tawa ang sagot ni Manay Lolit Solis nang hiningan namin siya ng reaksyon sa ipinost ni John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram account na parang iniinsulto siya sa ipinasabog nitong balitang pinaghahandaan na raw ng magkasintahan ang kanilang pagpapakasal.

Isang video post itong nasa IG account ni Lloydie na kung saan parang nagma-martsa sila ni Ellen Adarna at kinakanta ang bridal march. Nasa caption nito ay ‘take it take it!’ ang sikat na linya sa Manila Film Fest Scam na kinasangkutan ni Nay Lolit halos 25 years na ang nakaraan.

Sabi lang ng talent manager/TV at radio host: “Nakaka-flatter at pinagkakaabalahan pa nila ako.”

Bakit daw kasi pinapansin pa siya? Kasalanan daw ba niya kung may tumatawag sa kanya mula Cebu at nababalita ‘yung tungkol sa dalawa? Basta abangan na lang daw, dahil lalabas naman kung ano talaga ang totoo.

Sabi pa niya sa presscon ng pre-Valentine concert na #paMORE nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Erik Santos sa Seda Vertis North, “Deny sila nang deny! Pag natuloy ang kasal, saka sila mag-deny!”

Bakit pa raw magagalit ang dalawa, eh siya nga mismo ay natutuwa raw kapag matuloy ang kanilang kasal.

Pati ang bestfriend ni Ellen na si Beauty Gonzales ay itinanggi rin ang balitang pinasabog ni Manay Lolit. Hindi raw totoong may planong kasalan.

“Naku! Tumigil siya! Artista siya, hindi reporter!” sabi ni Tita Lolit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?