103

Jan 5, 2022 @ 14:40
By

John Lloyd hinanapan ng suplay ng Biogesic

Sa kabila ng napapabalitang kakulangan ng suplay ng paracetamol sa ilang botika, isang netizen ang nangahas na maghanap ng mapagkukunan ng gamot – at ang kanyang naisip na hingian ay si John Lloyd Cruz.

Sa screenshot ng isang netizen, matapang itong nagtanong kay John Lloyd kung may naitago ba itong Biogesic, ang gamot pang-lagnat na inaadvertise ng aktor.

Tinawag pa nito si John Lloyd sa pangalan ng sikat niyang naging role sa pelikula.

“Idol Popoy. Baka naman meron tayo jan Biogesic. Kahit tatlong banig lang idol. Nagkakabusan na sa mga drugs stores eh. Solid fan mo ako bro since Tabing Ilog days. Ingat!” saad ng mensahe ng netizen.

Trending sa social media ang paghahanap ng mga gamot pang-trangkaso at marami ang nagreklamo na kulang umano ang suplay ng mga ito, bagay na itinanggi na ng Department of Health at ng Department of Trade and Industry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?