45

By

John Lloyd hiling ng fans mapanood pa rin kahit sa commercial

Sharing is caring!

Kahit pa sabihing halos taon na ring ‘nawawala’ sa limelight si John Lloyd Cruz dahil sa pagsasama na nila ng ina ng kanyang anak na si Ellen Adarna, marami-rami pa ring tagahanga at supporters ang aktor na super miss na mapanood o makita na muli ang kanilang idolo sa telebisyon o pelikula.

Sa ngayon kasi ay malinaw para sa kanyang mga supporters na tila wala nang plano pa si John Lloyd na magbalik-showbiz o maging in-touch sa kanyang followers.

Lately kasi pati na raw ang binyag ng kanyang anak kay Ellen ay sadyang inilihim ng actor sa publiko. Noong una ay itinanggi pa ni John Lloyd na may nangyaring binyagan sa baby nila ni Ellen.

Tahimik na ang kampo ni John Lloyd. Isa pa rin daw senyales na masaya na si John Lloyd sa kanyang pribabong buhay ngayon ay nagsisimula na umano itong gumawa ng sariling bahay nila sa bayan mismo ng kanyang dyowa. At tsikang mismong si John Lloyd na raw ang nagbigay ng ideya kay Ellen na bumukod na sila sa at magsimula ng sarili nilang pamilya.

Sa showbiz, kung hindi man iwas si John Lloyd na magpa-interview kahit pa sabihin na galing na mismo sa mother network niya na ABS-CBN 2 ang humingi ng panayam, magiliw na niya raw itong tinatanggihan kahit pa raw exclusive interview.

May nagtsitsika rin na super happy na raw si John Lloyd sa piling ni Ellen at anak na si Elias Modesto at buong araw na raw niyang kapiling ang kanyang pamilya.

Sa mga tagahanga naman ng actor, kahit sa commercial man lang daw sana sa telebisyon ay kuntento na silang mapanood ang kanilang idolo at harinawang patuloy raw nilang makita sa mga product endorsement ang mahusay na aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?