136

Dec 1, 2021 @ 21:18
By

John Lloyd ginaya si Mike Enriquez, Bea naiyak sa tawa

Tawa nang tawa si Bea Alonzo nang gayahin ng dating ka-loveteam na si John Lloyd Cruz ang broadcaster na si Mike Enriquez.

Sa interview sa “24 Oras” kagabi, tinanong ang aktor tungkol sa sitcom niya kasama si Andrea Torres.

Habang nagsasalita, napansin ni Bea na parang ginagaya na ng aktor ang pagsasalita ni Enriquez.

“Bakit kapag nagsasalita, parang si Mike Enriquez?” sey ni Bea.

Pareho nang nasa Kapuso Network sina Bea at John Lloyd.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?