15

Dec 5, 2020 @ 16:12
By

John Lloyd endorser muna ang peg

Maraming fan ang umaasang magbabalik showbiz na si John Lloyd Cruz.

Pero tila masaya at kuntento ang aktor sa pagtanggap muna ng mga endorsement deal.

Ito’y matapos ilabas ang commercial niya para sa isang luxury watch and jewelry company na itinatag noong 1983. Tema ng commercial ang pagiging ama niya.

Taong 2017 nang mag-indefinite leave of absence sa showbiz ang aktor para sa personal niyang buhay.

Makalipas ng dalawang taon ay muling nasilayan si John Lloyd sa commercial ng isang shawarma company.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?