164

Oct 10, 2017 @ 10:22

John Lloyd, ‘emosyon’ ang problema

Direk Cathy, ayaw payagang mag-retire ng ABS-CBN

INI-ANNOUNCE na nga ni Direk Cathy Garcia-Molina na may plano na siyang mag-retire sa pagiging director, at nangyari ‘yon sa presscon ng pelikulang Seven Sundays ng Star Cinema. Hindi gumagawa ng teleserye si Aga Muhlach na isa sa mga artista rito, pero may kondisyon itong gagawa kung si Direk Cathy mismo ang magdi-direk. Dito nabanggit ng director na hanggang 2 years na lang siya.

Gusto naman daw niya na ibigay ang oras niya sa mga anak niya at plano niyang mag-retire sa New Zealand dahil tahimik daw sa naturang lugar.

Pero dahil Aga Muhlach ang ididirek niya, oo naman at gusto raw niya pero sana raw, umabot pa si Aga sa dalawang taong ibinibigay pa niya sa sarili.

Nagpaalam na rin si Direk Cathy sa ABS-CBN at Star Cinema, pero natatawang sabi niya, “hindi ako pinapayagan!”

Kung magre-retire man siya, hindi naman daw ito nangangahulugan na hindi na siya babalik.

“Alam mo ‘yung gusto mong tingnan ‘yung mga what ifs. So, kung magiging okey ba ‘ko roon o mas gusto ko pa rin pala ‘yung ginagawa ko rito. And it doesn’t mean naman na hindi na ‘ko babalik o gagawa at all.”

Bukod sa isyu ng retirement, natanong din namin kay Direk Cathy ang situwasyon ngayon ng isa sa pinakamalapit na Kapamilya actor sa kanya, ang controversial na si John Lloyd Cruz.

“Well, everybody goes through something. Kumbaga, if it’s this path for him to learn, hayaan mo siya, malaking tao na siya,” sey naman niya.

Nakausap daw niya si John Lloyd bago pa lumabas ang mga controversy rito. Nang maglabasan na, tinext daw niya pero hindi sumasagot.

Aniya, “Ganu’n ‘yun e, hindi nagpaparamdam kapag may problema. Mas nagpaparamdam pa siya kapag masaya siya.”

Tinext daw niya si John Lloyd na “Lloydie, mahal kita.” At kahit sabihin pa raw na artista, sikat ang actor, para sa kanya, normal na tao pa rin kasi ito.

At sa pagkakakilala raw niya kay John Lloyd, it has nothing to do with career na iniisip ng ilan kung bakit nito ginagawa ang mga ginagawa ngayon or not even with family matters.

Aniya, “Ano ‘yan may kinalaman sa emosyon.”

Tingin niya, in-love na talaga si John Lloyd kay Ellen?

“Siguro! Hindi ko alam! Hahaha!”

Sa lahat, ang sinigurado ni Direk Cathy, John Lloyd will always have her respect and love.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?