By

John Lloyd at Ellen, masaya sa isa’t isa

Sharing is caring!

Nasa langit ng kaligayahan sa kasalukuyan ngayon ang magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna base sa pinakahuling post ng sexy actress sa kanyang Instagram wall na may profile name na @maria.elena.adarna.

Magkasama sa veranda o terrace ng isang bahay o resort sina Ellen at Lloydie na masisilip sa IG ng aktres.

Glass panel ang terrace kaya kahit pataas ang kuha sa dalawa makikitang masaya ang mood ng kanilang pagsasama ng mga sandaling iyon.

Nasa akto na naglalambingan sina Ellen at JL sa photo. Nakahiga sa sofa ang aktor habang nakakandong sa kanya ang aktres na masisilip pa rin sa posisyon ng dalawa sa photo.

Walang mahabang message caption si Ellen sa photo kundi ang mga katagang “Stolen moments” na nilagyan niya ng emoticon signs na ‘rainbow’ at ‘sunshine’ na sinundan niya ng IG profile name ni John Lloyd na @ekomsi.

Hindi na kailangan pang linawin ni Ellen kung ano ang ibig sabihin ng emoticon signs caption sa photo niya dahil maliwanag namang masayang-masaya ito sa estado ng relasyon nila ni John Lloyd.

Ang rainbow sign ay nagri-represent ng color o buhay. Samantalang ang araw o sunshine ay liwanag.

Meaning, punong-puno ng buhay at liwanag ang mundo ni Ellen sa piling at sa ipinaparamdam sa kanyang importansya pati na pagmamahal ni John Lloyd.

Kahit hindi buo ang mukha ng aktor sa photo nila ni Ellen, masisilip na masaya ito sa eksena nilang ito ng aktres.

Anyways, wala pang direktang official announcement sina John Lloyd at Ellen sa napapabalitang pagbubuntis daw ng huli sa ngayon na ang ama ay ang Kapamilya actor.

Pero dalawang araw nang may mga positive at favorable comments ang ilan sa mga kaibigan nila sa industriya na natutuwa sa itinuturing nilang blessings sa dalawa, kung ito man ay totoo. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?