606

By

John Lloyd, Ellen at baby Elias nag-New Year sa Tokyo

Sa Tokyo, Japan umano nag-celebrate ng New Year sina Lloyd Cruz at Ellen Adarna kasama ang kanilang baby na si Elias Modesto.

Ayon sa ulat ng Pep, ilang larawan ang ipinadala ng source kung saan makikita sina Lloydie at Ellen kasama ang 6 month old na si baby Elias sa Tokyo Disneyland.

Kasama rin nila roon ang iba pang kapamilya ni Ellen.

Sa larawan, nakatakip ang mukha ng anak nina John Lloyd at Ellen na nakasakay sa stroller habang sa isa pang larawan ay magkatabi ang couple habang karga ng aktor si baby Elias.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?