269

Oct 22, 2017 @ 11:20

John Lloyd at Ellen Adarna nakaka-good vibes na ang relasyon

Good vibes na ang dating ng mga latest Instagram photos na pino-post nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, na mga kuha mula sa Switzerland, kung saan ay nagbabakasyon nga sila ngayon.

Para ka ngang nanonood ng travel show dahil sa videos, photos na pino-post nila. Na ang feeling mo, kasama ka sa travel nilang dalawa.

Perfect for each other nga ang deskripsiyon sa kanila ng followers nila. Kung dati-rati, sangkatutak na pamba-bash ang hinahamig nila, ngayon nga, mas bongga at mas maraming positive comments, messages na ang ibinibigay sa kanila.

Ang sweet nilang dalawa sa isa’t isa, ‘yan nga ang obserbasyon ng followers nila. Tipong, nagja-jive talaga ang mga karakter nila sa isa’t isa.

For now, ang kaligayahan ang makikita mong pinagsasaluhan nila. At tulad ng icon na ginamit ni Ellen sa deskripsiyon niya kay John Lloyd, na pulang-pulang heart, ganu’n na ganu’n nga ang sitwasyon nila.

“Hi (red heart) I see you taking a picture of me. #HuliKa,” sey ni Ellen sa photo ni Lloydie na pinost niya.

“Sweet,” ang reaksiyon ni Gretchen Barretto sa post na ‘yon ni Ellen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?