54

By

John Lloyd Cruz nasa US pa rin tikom ang bibig sa ‘pagbubuntis’ ni Ellen

Sharing is caring!

Nakausap namin nung Lunes ng gabi, kahit saglit ang isang taong malapit kay John Lloyd Cruz. Tinanong namin kung maglalabas ba ng official statement ang Star Magic, ang nangangalaga sa career ni Lloydie, o ang aktor mismo tungkol sa balitang buntis daw ang napapabalitang girlfriend nito na si Ellen Adarna na kasama niya sa sitcom sa ABS-CBN na Home Sweetie Home at siya ang ama.

Sabi ng aming kausap, wala naman daw sinasabi pa o kinukumpirma si JLC about the issue.

Pero kung totoo man at kung maligaya sa sitwasyon niya ngayon si John Lloyd ay masaya na rin silang mga kaibigan nito para sa aktor at kay Ellen.

Hahayaan na lang daw niyang kusang magsalita sa kanya si John Lloyd tungkol sa nasabing mainit na balita.

Sa ngayon ay nasa America si John Lloyd kasama ang kanyang pamilya na umalis daw nung November 14 para sa kasal ng kanyang pinsan at sa katapusan pa raw ng buwan ang balik.

Ipinaalam daw ng aktor sa ABS-CBN management ang bakasyon niyang ito sa States. (France Simeon)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }