180

Nov 5, 2017 @ 10:58

John Lloyd cover ng sosyal na magazine

NAGTIWALA pa rin ang isang kilalang sosyal na magazine upang gawing cover si John Lloyd Cruz para sa November issue nito. Guwaping pa rin at malinis ang picture sa cover ni JLC.

Sa Instagram account ni @ricochismoso inilabas ang cover ng mag na ‘yon. Ayon sa komento ng ilang netizens, good and clean looking si Lloydie sa picture.

Feel na feel naman ng ilan ang caption nito na, “Let John Lloyd Cruz Be.”

Wala pa rin sa bansa ngayon si John Lloyd. Ilang araw na rin siyang walang posts sa IG. Pero tuloy pa rin ang pag-ere ng ilan niyang TV commercials, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?