52
views

By

John Lloyd biktima ng inimbentong chismis

Sharing is caring!

Ka-text ko kahapon si Cory Vidanes, ang lady boss ng ABS-CBN, tungkol sa mga naglabasang balita na kesyo babalik na si John Lloyd Cruz sa kanila. Pero, pinabulaanan nga ito ni Cory, at nagsabi na ni walang pahiwatig si Lloydie na gusto na niyang bumalik sa Home Sweetie Home, lalo namang walang katotohanan ang kuwento na tinanggihan siya ng ABS-CBN.

Wala raw nakarating­ na kung ano mang mensahe mula kay John Lloyd sa kanyang opisina. At kung meron man ay bakit daw nila tatanggihan gayung Kapamilya si Lloydie at open na open sa kanya ang pintuan nang nasabing network.

Kaya siguro inutusan ng pinuno ng ABS-CBN ang corporate communication nila na maglabas ng official statement tungkol sa isyu. Masyado naman kasing imbento ang kuwentong ‘yon, lalo na ang tungkol sa kesyo naghihirap na si Lloydie.

Anyway, bigyan na lang natin ng space at panahon si Lloydie nga­yon, at hayaan siyang i-enjoy ang buhay niya sa piling ni Ellen Adarna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?