88

By

John Lloyd biglang bumait sa mga fan, game ulit sa selfie

Speaking of Lloydie, viral din ang mga Cebu photos niya na naka-bike at nagpagupit sa barbero sa halagang P40.

Nakakatuwang tingnan para sa estado niya dahil mukhang ito ang mga simpleng bagay na gusto niya.

Mararamdaman mo rin naman ang kasiyahan sa mukha niya. Yun nga lang, the other side of the coin tells a different story.

Meron kasing mga kumukuwestyun sa biglang pag-kambyo ni Lloydie pagdating sa pagpapakuha ng picture o pag-accommodate ng ‘fans’ to be with him sa photo.

Nung mga nakaraang panahon kasi, ‘privacy’ ang laging ini-insist nila ni Ellen na kailangan nila.

May on-going case pa nga kaugnay ng umano’y invasion to their privacy, di ba?

Kaya nga sa pagkambyo ni Lloydie at pagiging mabait sa photo op, mukhang signal daw ito ng nalalapit niyang muling pagbalik showbiz?
Hala, kayo na po ang sumagot hahahaha! (AMBET NABUS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,