448

Nov 16, 2021 @ 16:30
By

John Lloyd, Bea nagkabalikan

Balik tambalan ang paboritong love team ng madla.

Nagsama sa isang commercial sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, sa unang pagkakataon matapos ang paglipat nila sa Kapuso Network.

Sa Instagram ipinost ni Bea ang trailer ng upcoming reunion movie nilang “One True Pair” para sa Jollibee na ipalalabas sa Dec. 1 sa YouTube channel ng nasabing fast food chain.

Makikita ang dalawa na nagkumustahan sa trailer.

“Kumusta puso mo?” tanong ni Bea.


Naging hit ang John Lloyd-Bea love team dahil sa 2007 blockbuster film na “One More Chance” bilang sina Popoy at Basha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?