37

May 16, 2021 @ 16:11
By

John Lloyd, balik-showbiz

Inanunsyo ng Crown Artist Management, na siyang sariling talent agency ni Maja Salvador, nitong Sabado na may bagong aktor na pumirma ng kontrata sa kanila.

Hindi lang basta-basta ang aktor na bagong pirma sa Crown Artist, sapagkat siya ay walang iba kundi ang award-winning aktor na si John Lloyd Cruz.

“We are happy to share with you the CAMback of the one and only John Lloyd Cruz, now under Crown Artist Management (CAM),” pahayag ng talent agency sa kanilang social media account.


“The time has already come. THE JOHN LLOYD CRUZ is back!” dagdag pa ng CAM.

Apat na taon ding nagpahinga sa showbiz si John Lloyd, na huling lumabas sa pelikulang Finally Found Someone.

Personal na dahilan ang rason ng aktor sa kanyang pamamahinga sa showbiz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?