2,017

Sep 20, 2021 @ 16:37
By

John Lapus nangampanya vs Pacquiao

Lantarang nangampanya laban sa presidential bid ni Senador Manny Pacquiao ang comedian na si John Lapus.

Sa kanyang post sa Twitter, ipinaalala ni Lapus sa LGBTQ community ang pagbansag sa kanila noon ni Pacquiao na masahol pa sa hayop.

Wala siyang tinukoy na pangalan ngunit obvious na si Pacquiao ito dahil ang huli ang nagbitiw ng naturang kontrobersiyal na pahayag laban sa LGBTQ community noong 2016.

“Mga bakla! Wag kalimutan, sinabihan tayo nyan ng ‘Masahol pa sa Hayop’,” tweet ni Lapus kahapon, Sept. 19.

Sinabi niya ito matapos pormal nang ianunsyo ni Pacquiao ang pagtakbong pangulo sa 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?