195

Dec 1, 2017 @ 14:11

John Cena kinasuhan sa pagbenta ng $500K supercar

Kinasuhan ng Ford ang sikat an professional wrestler na si John Sena dahil sa pagbenta nito brand new 2017 Ford GT na nagkakahalaga ng $500,000 ng isang paglabag diumano sa kontra sa kumpanya.

Sa asuntong inihain sa U.S. District Court sa Michigan, Cena ay pinili mula sa libong aplikante para bumili ng nasabing luxury car subalit nilabag nito ang kontra sa kumpanya na hindi niya ito ibebenta sa loob ng dalawang taon
Subalit sa report ng TMZ, sinabi ng Ford na ibinenta diumano ni Cena ang kotse para kumita ng malaki.

“Mr. Cena has unfairly made a large profit from the unauthorized resale flip of the vehicle, and Ford has suffered additional damages and losses, including, but not limited to, loss of brand value, ambassador activity, and customer goodwill due to the improper sale,” sabi ng Ford.

Hinihiling ngayon ng Ford kay Cena ba ibalik nito ang perang kinita niya mula sa pagbenta ng nasabing mamahaling kotse.

Sinabi diumano ni Cena sa kumpanya na ibinenta niya ang kotse kasama ilan niyang property para bayaran ang kanyang mga utang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?