146

Jan 12, 2022 @ 17:48
By

John Cabahug atat nang pakasalan si Lian, ampunin mga anak ni Paolo Contis

Tanggap na tanggap ng fiance ni Lian Paz ang mga anak nito kay Paolo Contis.

Sa katunayan, may plano raw si John Cabahug na ampunin sina Xonia at Xalene para maging legal na anak nila at magamit din ng mga ito ang kanyang apelyido. Ngunit, kailangan daw ng pirma rito ni Paolo.

“Sabi ni Attorney, kailangan kasi ng signature ni Paolo. Sabi ko, baka hindi papayag ‘yon. Pero ako, sobrang gusto ko. Kung puwede lang, kung halimbawa si Paolo, hindi na siya ‘yong magpa-pride… pero siyempre, nirerespeto ko rin ‘yong proseso at saka siya, kung ano ang mga diskarte niya sa buhay. Kaya sabi ko, in the right time siguro,” sagot ni Cabahug sa isang interview sa Pika Pika.

Samantala, kahit alam daw niyang hindi pa annulled ang kasal nina Lian at Paolo ay nag-propose pa rin siya sa EB Babes member.

“Last year, nag-propose ako kay Lian noong anniversary namin. Kahit alam ko na hindi pa annulled, nagpaalam ako sa kanya. Sabi ko, ibibigay rin naman ‘yan (kasal), gusto ko lang i-assure sa’yo na totoo ‘tong ginagawa ko,” aniya.

Sa ngayon ay magsi-siyam na taon na raw ang relasyon nila ni Lian at naiinip na rin siyang maging legal na misis ito.

“Siyempre medyo naiinip din. ‘Yong kabila, parang hindi ko talaga alam. Hindi ako nakikialam sa kanila noong una, pero sabi ko talaga kay Lian, kailangan na rin nating umaksyon. Pero ‘yong panahon lang before, parang hindi pa able. Nada-divert kasi kami palagi kasi everyday may apat na bata. May business na hina-handle. Pero meron na kaming mga attorneys na kinontak about the situation,” lahad pa ni John.

View this post on Instagram

A post shared by Lian Paz (@liankatrina)


(IS)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?