35

Sep 14, 2021 @ 11:14
By

John Arcilla sinupla mga ‘nakakapunyetang politiko’: Tao muna bago kagarapalan ninyo!

Sinetch kay itey na tinawag ni “Heneral Luna” na mga nakakapunyetang politiko?

Nag-aalboroto kasing sinupla ni John Arcilla ang ilang opisyal dahil sa pag-uuna umano nito sa negosyo kesa sa gawing prayoridad ang kapakanan ng publiko.

“NAKAKAPUNYETA ang mga Pulitikong mas INUUNA PA ANG RAKET kesa kapakanan ng mga Pilipino at Buhay ng TAO,” tweet ni “Heneral Luna” star.

“Palipasin nyo man lang ang Pandemyang ito tsaka nyo na balikan ang KAGARAPALAN kung di kayo maawat! Nangangamatay na ang mga TAO! Mahiya naman tayo! Nakakagalit na ng husto!” dagdag pa niya.

Kasalukuyang burado na ang naturang tweet.

Aniya, ayaw na niya kasi ng culture of hate kaya binawi na lang niya ang kanyang naunang tweet.

“Ayaw ko na ng Culture of HATE. Sa ngalan ni Teresa aking kapatid na sinalubong na ng Maykapal binabawi ko ang galit sa una kong tweet.”


Hindi pa napirme ang beteranong aktor at nagpatutsada pa sa mga opisyal na nangungulimbat umano ng pera mula sa taumbayan.

“Sana’y MAGBAGO na ang MGA Opisyal ng ating Bayan na NAPAPABALITANG KUMUPIT NG BILYON BILYONG HALAGA PARA SA KANILANG KAPAKANAN kaysa kapakanan ng mga KABABAYAN NATING NAGUGUTOM NA AT NANGANGAMATAY DAHIL SA PANDEMYA,” saad niya.

“Gamot po at Hospital ang KAILANGAN NATIN. MAAWA NA KAYO,” dagdag pa niya.

Maraming netizen naman ang natuwa at bumilib sa pagiging ‘outspoken’ at matapang ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?