75

Nov 6, 2021 @ 22:04
By

John Adajar unang napalabas ng PBB House

Ang MMA fighter at 2021 Mister Supranational Philippines na si John Adajar ang unang na-evict sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition ngayong Sabado.

Nakakuha lamang si Adajar ng 0.30% na pinagsamang save at evict votes.

Samantala, ligtas naman ang iba pang nominadong housemate na sina KD Estrada na nakakuha ng 45.04% at si Karen Bordador na may 18.44%.

Proud naman ang fiance ni Adajar na si Michaella Arenas sa kanyang mga ipinakita habang nasa loob ito ng Bahay ni Kuya.

“Kasi para sa’kin malaki na ’yung naging improvement niya bago pa lang pumasok sa bahay ni Kuya. Pero ang pinaka naging improvement niya ay naging kuya siya ng lahat. Nakaka-proud,” aniya.

“May respeto sila kay John. Pinaka nakakaantig sa akin ay ’yung mga sacrifices niya para lang magampanan niya bilang tatay at asawa sakin,” dagdag pa nito.

Mayroon ding mensahe si Kuya kay Adajar bago siya lumabas sa outside world.

“Natutuwa ako na sa loob ng panahon na inilagi mo sa aking bahay ay binuksan mo ang iyong sarili sa iyong mga kasama. Baunin mo sa iyong paglabas ang ilang alaalang nabuo mo kasama ang iyong pamilya dito sa aking bahay,” pahayag ni Kuya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?