73

Joey todo-suporta sa JoWaPao

Sharing is caring!

Baby Talita ang pangalan ng anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto. Hindi sinasadyang mabanggit ito ni Joey de Leon sa interview sa kanya sa presscon ng comeback film niyang Barbi D’ Wonder Beki na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros.

Ayon pa kay Joey, balbon na balbon daw ang bata. Sa Instagram post ng madir ni Poleng na si Chat Luna, tanging ang kamay ng apo ang nakalabas na photo. May takip naman na emoticon ang post ni Ruby Rodriguez.

Pero kahit tanging si Paolo ang kasama sa Barbi, prinomote din niya ang Trip Ubusan kung saan kasama nila sina Jose at Wally bilang mga Lolas sa Instagram niya habang nakasuot ng wig at make up.

“Sa Nov. 22 ‘Trip Ubusan’, sa Nov. 29 ang ‘Barbi D’ Wonder Beki’.” Kaya abangan ang susunod ni @pochoy29 mix nu’ng dalawang movies – “ZOMBARBI!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?