672

Aug 6, 2018 @ 20:16
By

Joey Marquez naka-relate sa sex video ni Mark Herras

Naiintindihan ni Joey Marquez ang lumabas noon na sex video na marami ang nagsasabi na si Mark Herras nga raw ‘yun.

Bilang ama ng girlfriend ni Mark na si Winwyn Marquez, naiintindihan daw niya kung totoo ngang si Mark ‘yun dahil bahagi nga raw ‘yun ng pinagdadaanan ng isang lalaki.

Aba, kung uso nga raw noon, baka siya ay nagpakuha rin. Sabi niyang nagbibiro.

Meron daw bang interesado sa kanya?

Siyempre naman sabi ng mga katoto lalo na’t may tsika sa kanya na isa siya sa original na Bombilya King.

Anyway, inamin ni Joey na maging sa mga anak niyang lalaki ay lagi niyang pinapaalalahanan ang mga ito na kailangang gumamit sila ng kapote kapag hindi sila makapagpigil dahil madaling gawin nga raw ito pero mahirap labasan kapag nalalagay na sa isang mahirap na sitwasyon.

Siyempre, base ito sa karanasan ng isa sa bida ng Unli Life na entry ng Regal Films sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino sa Agust 15-21.

Kaya ito nga raw gusto niya itong ibahagi sa kanyang mga anak, para sa sarili na rin nilang proteksiyon at pag-iingat na rin. Korek!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?