84

Sep 22, 2021 @ 22:24

‘Joey de Leon’ timbog sa shabu

Naaresto ng mga operatiba ng Parañaque Police ang isang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa harap ng seaside market sa Baclaran.

Sa pamumuno ni P/Major Briant Salazar, kinilala ang suspek na si Joey de Leon, na kapangalan ng sikat na host ng “Eat Bulaga”.

Nakumpiska ng mga operatiba kay De Leon ang mahigit 379.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.5 milyon. (Jojo Sicat)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?