9,557

Jan 11, 2022 @ 15:13
By

Joey de Leon may hirit kay Ruby: Marunong pa kaya siyang mag-Tagalog?

Patok ang mga hirit ni Joey de Leon sa birthday greetings ni Pauleen Luna kay Ruby Rodriguez.

Matatandaang nasa Amerika na ngayon nakatira at nagtatrabaho si Ruby kasama ang mga anak.

Sa Instagram idinaan ni Pauleen ang pagbati sa kanyang BFF.

“I lived my best single years because of YOU! May it be our adventures abroad or just simply lounging in Mapangakit with dusters on. THANK YOU.

“You may be far in distance but will always be in my heart (as in andito ka lang sa Pinas) i love you my bff @rodriguezruby ! Happy happy birthday!!!!” pagbati ni Pauleen kay Ruby.

Isa sa nag-react dito ang Henyo Master na si Joey at tinanong kung marunong pa kayang mag-Tagalog si Ruby.

“Marunong pa kaya si Ruby magtagalog? Kilala pa kaya nya tayo? Well, Maligayang Kaarawan is Happy Birthday in case you know!” sey ni Joey.


(IS)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?