127

Nov 9, 2017 @ 15:28
By

Joey de Leon gandang-ganda kay Paolo Ballesteros

BUONG ningning at pinagdidiinan talaga ni Joey de Leon na ‘mas maganda’ si Paolo Ballesteros sa kanya. Sa mga hindi nakakaalam, si Joey ang kilalang Barbi sa pelikula pero sa pagkakataong ito, hindi lang siya pumayag na isalin na ito kay Paolo, pero pumayag pa siyang makasama nito sa Barbi D’ Wonder Beki.

“Semi-retired na ko, e,” sabi ni Joey.

“‘Yung mga barkada ko na lang, basta may ginawa sila, anytime. Pero ‘yung mga iba, ayaw ko na. Medyo pagod na ‘ko.”
Masuwerte si Paolo dahil buo ang tiwala sa kanya ni Joey at suportado siyang talaga.

“Si Paolo, bukod sa mas maganda ngang talaga. Magaling nga at dabarkads e at saka tong-its. Parang mga utol ko ‘yan.”

Pero may challenge si Joey kay Paolo na dapat daw makaapat itong series ng Barbi kunsaan nakatatlong Barbi trilogy naman siya.

Sey pa rin niya, “Magagaling ‘yan, pero ito na (Paolo) ang pinakamaganda sa mga nagbabae.”

May pa-trivia pa si Joey na silang tatlo raw nina Vic Sotto at Tito Sotto ay ipinanganak ng Year of the Dog, Horse at Tiger. Nadiskubre niyang ang JoWaPao nina Jose, Wally at Paolo ay same year rin nila.

Kung may konek nga siguro ang pagkakaparehong ‘yun na baka nga ang tatlo ang puwedeng successors ng TVJ, ‘di ba?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?