206

By

Joey at Ryzza Mae may ‘Bahay Kubo’ version sa paglipat sa Cainta

Sharing is caring!

Dinaan sa kantahan nina Dabarkads Joey de Leon at Ryzza Mae Dizon ang selebrasyon sa paglipat ng “Eat Bulaga” sa bago nitong APT Studios sa Cainta.

Simula Sabado, Dec. 8 umano ay mapapanood na nang live ang Dabarkads sa Barangay San Isidro sa Cainta.

Si De Leon ang gumawa sa version nila ng “Bahay Kubo” na kinanta nila ni Dizon.

Sa video na ibinahagi ni Dizon sa Instagram noong Lunes (Dec. 3) makikitang relax ang dalawa at masaya.

“Bahay bago natin Baste. Bago na istudyo natin ‘pag tanghali,” panimula ng kanta.

Sa dulo ng kanta ay may dalawang wish sina Joey at Ryzza Mae, na sana umano ay mas marami pa silang maging “kainan” at “merienda” sa bagong studio.

Kahapon nang mag-post naman si Ryzza Mae ng hindi niya malilimutang karanasan sa anim na taon niya sa Broadway Centrum kung saan nanalo siyang Little Miss Philippines noong 2012.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }