30

By

Joem naghahanap ng katarungan para sa pamilya

Sharing is caring!

Ipapakita ni Joem Bascon kung ano ang kaya niyang gawin para maibalik ang nasirang buhay ng kanyang pamilya ngayong Sabado (Setyembre 15) sa ‘Ipaglaban Mo’.

Masayang namumuhay sina Jonas (Joem) at Sarah (Roxanne Barcelo) kasama ang kanilang tatlong anak, bagama’t hindi gaanong nakaaangat sa buhay.

Masisira ang lahat ng ito sa isang gabi, nang paglooban sila ng walong lalaking may mga itak. Pagnanakawan sila ng mga ito, ngunit higit pa roon ay gagahasain nila si Sarah. Dahil nakagapos ay hindi maipagtatanggol ni Jonas ang kanyang misis, na siyang ikakahiya nito.

Paano ipapakita ni Jonas ang pagpapahalaga sa kanyang pamilya matapos ang trahedyang kanilang dinanas? Ano ang gagawin ng kanilang mag-anak para makapaghiganti sa walong lalaking nanakit sa kanila?

Handog ng ‘Ipaglaban Mo’, ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.

Huwag palampasin ang ‘Puri’ sa direksyon ni Dondon Santos, ngayong Sabado (Setyembre 15), pagkatapos ng ‘It’s Showtime’ sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?