75

Jul 13, 2021 @ 18:51
By

Joem Bascon feel na feel maging housedad

Itinuturing ng aktor na si Joem Bascon na biyaya ang kaniyang baby boy.

Sa isang interview sa “Abantelliling” kasama si Rey Pumaloy, sinabi ni Joem na hindi maipaliwanag ng first-time daddy ang kasiyahang naibibigay sa kaniya ng kanyang baby boy na si Gibo.

“Ine-enjoy ko lang yung every step; from changing the diaper to crawling, kung anuman yung gawin niya ine-enjoy ko lang siya,” sey ni Joem.

Para sa aktor, mabilis ang mga araw na lumilipas sa tuwing makikita niya ang anak na lumalaki na.

Itinuturing niya na angel ang anak sa kabila ng mga anxieties na nararamdaman niya. Isa ang aktor sa mga naapektuhan sa shutdown ng ABS-CBN Network dahil sa kanyang trabaho, “Nagkaroon kami ng anxiety kasi siyempre wala kaming work eh, so kailangan kong kumayod.”

Gayunpaman, lubos ang kasiyahan ng aktor sa pagkakabalikan nila ng partner na si Meryll Soriano at sa pagdating ni Gibo sa kanilang buhay.

“Kung hindi ko kailangan mag-work, kung puwede ako mag-stay sa kanila, aalagaan ko lang sila. Puwede akong maging housedad. Gustung-gusto ko yung feeling na magiging housedad ako.”

Nang tanungin siya kung ano ang kanilang plano ng partner, sinabi ng aktor na wala pa dahil ine-enjoy pa nila ang kanilang time together, “Siguro in the future.”

Naging abala rin si Joem sa paghahanda para sa nalalapit nitong pelikula na “The Other Wife”.

Ito ay kuwento ng mag-asawang tumuloy sa resort ng kanilang kaibigan. Tumatakbo ang istorya sa kung paano sila nag-mingle sa isa’t isa.

Sinabi ng aktor na maraming twist and turn ang maibibigay ng pelikula.

Mapapanood ang “The Other Wife” sa July 16, 2021 kung saan kasama niya sina Lovi Poe at Rhen Escaño sa direksyon ni Direk Prime Cruz under Viva Films.

Kasama rin ang aktor sa digital series na “My Sunset Girl” na streaming sa July 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?