7,082
joel
May 7, 2018 @ 13:54

Joel Reyes Zobel, may panibagong banat sa mga Tulfo

Hindi pa natatapos ang patutsada ni dzbb news anchor at radio commentator Joel Reyes Zobel laban sa mga Tulfo.

Ngayon nga ay nagbitiw ng reaksiyon si Zobel kaugnay ng pagnanais ng Tulfo brothers na pagsasauli ng P60 milyong ads money at pagbibitiw ng asawa ni Tourism Secretary Wanda Teo na si Roberto bilang board member ng TIEZA.

“Consumated act. Ano ngayon kung sasauli? Ganun na lang yun? Magreresign. Ganun na lang yun? Walang kakasuhan?” sabi ni Zobel sa kanyang Twitter account.

Matatandaang nauwi sa away laban sa mga Tulfo ang biruan sa programa sa radyo nina Zobel, Mike Enriquez at Arnold Clavio.

Pumalag at ikinapikon ni Ben Tulfo ang pagdidiin sa kanila sa naturang programa sa kontrobersiya na kinasasangkutan sa ads ng Bitag Media Unlimited Inc. ng mga ito at kapatid nilang si Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo kabilang na ang pagbansag sa Department of Tourism bilang “Department of Tulfo”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?