212

By

Joel Mendez nagpiyansa sa kasong rape

Sharing is caring!

Nakalaya pansamantala ang cosmetic surgeon at celebrity doctor na inaresto dahil sa kasong rape matapos nitong magpiyansa noong Biyernes.

Ayon sa report, nagbayad umano si Joel Mendez ng ₱360,000 para sa kanyang kalayaan.

Nahuli si Mendez sa Mandaluyong City noong Huwebes matapos ihain ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Imelda Portes Saulog ng Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 214 laban sa kanya.

Nahaharap si Mendez sa dalawang counts ng rape at attempted rape.

Sa panayam sa telebisyon, iginiit ng biktima ni Mendez na dapat umano ay non-bailable ang kaso dahil 17-anyos pa lamang umano ito nang galawin ng doktor. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?