481

Nov 16, 2021 @ 16:50
By

Joel Cruz pinasok na lafang business

Inamin ni “Lord of Scents” Joel Cruz na 50 store niya ang nagsara dahil sa COVID pandemya.

Dahil dito, pinasok niya ang food business na Takoyatea, isang takoyaki at milk tea store.

Sa vlog ni Karen Davila, sinabi ni Joel na ang hipag at pamangkin niya ang nagpasimula nito sa kanilang garahe.

“They were selling and nakaka-P15,000 sila. Sabi ko, five hours lang P15,000 na… magandang negosyo ‘yan lalo ngayong pandemic,” ani Joel.

“So sabi ko, if they will allow me to join them, papasok ako na ipapa-franchise ko,” dagdag niya.

Kuwento pa ng fragrance mogul, nasa 50 store ng Aficionado ang nagsara kaya naman nag-open siya ng isang business na swak sa pandemic na food and beverages.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?