23

Oct 28, 2020 @ 15:27

Joe ‘pinaubaya’ ang misis kay Sol

HABANG hindi pa busy sa paglalaro ng basketball si former NorthPort Batang Pier star Sol Mercado ay nagmistulang trainer muna ito ng misis ni Ginebra star Joe Devance na si Monica.

Ibinahagi mismo ni PBA veteran Sol sa kanyang Instagram story na siya muna ang umalalay sa ‘road to fitness’ ni Mrs. Devance at tinutulungan niya ito sa gym.

“Day 11 great job @monica_devance today was a tough one #journeyofselflove,” caption ni 36-anyos cager sa nasabing IG story.

Nauna rito’y napaulat na nasama sa listahan ng free agent si ‘Sol Train’ at wala siyang nahanap na mapupugarang koponan bago nagsimula ang PBA restart sa Clark, Pampanga. (Aivan Episcope

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?