68
joe-devance

Joe Devance, inilagay bilang unrestricted free agent ng Ginebra

Sharing is caring!

Inilagay bilang unrestricted free agent ng Barangay Ginebra si 6-foot-7 forward Joe Devance dahil kasalukuyan itong sumasailalim sa rehab para sa kanyang iniindang injury sa paa.

Sa pagkawala na ito ni Devance, sasandala ang Gin Kings kina Jervy Cruz at Raymond Aguilar para magbantay sa paint katulong sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar.

Para salpakan ang kakulangan sa pagkawala ni Devance’s absence, kinuha ng Gin Kings ang free agents na sina John Wilson at big man na si Jericho de Guzman habang inilagay sa injured/reserve list si sophomore forward Art dela Cruz.

Sasabak para sa kanilang ikalawang laro ang Ginebra kontra GlobalPort Batang Pier ng alas-6:45 ng gabi sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?