121

By

Jodi Sta. Maria, subsob sa pag-aaral; sinuklian ng mataas na marka

Sharing is caring!

Subsob sa kanyang pag-aaral ang bida ng “Sana Dalawa Ang Puso Ko” na si Jodi Sta. Maria kahit busy sa taping at iba pang showbiz commitments.

Pangarap ng Kapamilya actress na kumuha ng medical degree pagkatapos ng kanyang undergraduate program at ipagpapatuloy ito hanggang maging isang ganap na Oncologist.

Dapat tularan ng ibang taga-showbiz si Jodi as she’s dying to finish her degree- gaano man kahirap ang kanyang schedule.

Nagbunga rin naman ang pagsisikap ng aktres who returned to college nu’ng June 2017. Nu’ng Enero naman ng taong 2018, idineklara siya ng Southville International School and Colleges bilang dean’s lister.

Nu’ng Wednesday, August 8, panibagong achievement na naman ang natanggap ni Jodi. Ginawaran siya ng certificate sa pinapasukang school bilang top honor student, earning a 3.8 GPA (general point average).

Sa Instagram video post ni Jodi last Wednesday, maririnig ang hiyawan ng mga kaklase ng aktres habang inaanunsiyo ang kanyang pangalan as a top honor student.

Makikita ring nagpupunas ng luha ang single mom habang paakyat ng entablado at sa kanyang caption sa video, aniya, “These past years of taking up a pre-med course has molden me, trained me, tested me… but here I am almost at the end of the race as I finish my last year of undergrad studies.”

“I’ve played many roles in my life— an actor, daughter and most importantly being a mother. But being a student had me seeking out one of the most important gifts from God— the chance to pursue my BS Psychology degree. Each subject I had was an opportunity to develop myself and achieve new accomplishments,” bahagi pa rin ng kanyang caption.

Wala namang mahirap kapag ginusto ng isang tao and Jodi is willing to sacrifice para sa kanyang pangarap.

“With every challenge and experience, God prepared me and taught me to run my race without quitting. I have learned to be receptive to the whole process, more aware of what I am learning and why. I want you to know how exciting and stimulating an education can be. With a grateful heart, I am beyond happy to share with you that I was able to finish this semester with flying colors. Thank you, God for the gift of perseverance, patience, and the eagerness to learn and become a student of life. I am just at the start of what will be an even greater journey, and I am excited where it will take me. One year na lang… push pa more!” sambit pa ng academic achiever.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?