1,263

May 7, 2021 @ 21:52
By

Jodi ‘sinuka’ ng mga netizen sa ‘Doctor Foster’

Luhaan ang mga netizen matapos i-announce na si Jodi Sta. Maria ang gaganap na Dr. Jill Ilustre (Gemma Foster) sa Filipino remake ng BBC hit drama series na “Doctor Foster”.

Trending ang mga hashtag na Juday at Angel Aquino dahil nag-hopia ang mga netizen na si Judy Ann Santos o Angel ang bibida sa PH version ng “Doctor Foster”.

Si Jodi ang magiging misis ni Zanjoe Marudo, na gaganap namang Dr. David Ilustre (Simon Foster).

Magiging pamagat ng Kapamilya adaptation ay “The Broken Marriage Vow”, anunsyo ng ABS-CBN sa Facebook Live ngayong May 7.

Ilang linggong pinag-usapan kung sino ang gaganap sa iconic role kung saan ilan sa mga nabanggit ay sina Angel Aquino at Judy Ann.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?