45

Jodi, Richard kasal hahadlangan

Sharing is caring!

Inaabangan, tinutukan ng manonood ang magaganap na kasalan sa pagitan nina Martin (Richard Yap) at Lisa (Jodi Sta. Maria) sa Sana Dalawa Ang Puso bukas (Miyerkules, Mayo 9).

Desidido na si Lisa na itigil ang pag-iisang dibdib lalo pa at mahal na niya si Leo (Robin Padilla) ngunit bumigay naman si Mona at napa-‘I love you’ naman kay Martin.

Buong akala tuloy ni Martin na mahal na talaga siya ni Lisa kaya naman sisipot siya sa kasal at hindi na itutuloy ang plano niyang maging ‘runaway groom.’

Ano kaya ang mangyayari sa kasalan? Sino kaya kina Mona at Lisa ang darating sa simbahan?

Huwag palampasin ang Sana Dalawa ang Puso bago ang “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o saskyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?