840

Oct 1, 2020 @ 12:14

Jodi, Raymart nagde-date!

Nagde-date sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago at masaya sa isa’t isa.

Kinumpirma ito ni Raymart kay talent manager Noel Ferrer, matapos usisain ng huli ang larawan ng pagyayakapan ng dalawang celebrity sa isang private residence sa Alabang.

Huling naka-date ni Jodi, 38, si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla, at nag-break sila noong 2018.

Samantala, isang non-showbiz na babae naman ang huling nakarelasyon ni Raymart, 47.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?