111

Dec 1, 2017 @ 17:07

Jodi pag-aagawan nina Richard Yap at Robin Padilla

PATULOY ang ABS-CBN sa pagbibigay ng saya, pag-ibig, at mga kuwentong pampamilya sa mga manonood at mas lalong kapana-panabik ang mga palabas na ihahandog nila sa taong 2018. Ipinasilip nga sa Just Love: The ABS-CBN Trade Event ang mga pasabog nila noong Martes (Nov. 28).

Bongga nga ang Bagani nina Liza Soberano at Enrique Gil kasama sina Sofia Andres, Matteo Guidicelli, at Makisig Morales.

At siyempre muli na namang bibigyang pagkakataong umangat ang talentong Pinoy sa pagbabalik ng Pilipinas Got Talent na pagsasamahan pa rin nina Vice Ganda, Freddie Garcia, Robin Padilla, at Angel Locsin na uupong judges at Billy Crawford at Toni Gonzaga naman bilang hosts.

Magpapainit naman sa 2018 sina Erich Gonzales, Enchong Dee, at Ejay Falcon sa matapang nilang pagganap sa The Blood Sisters.

At siyempre, kaabang-abang ang No Ordinary Love nina Piolo Pascual, Arci Muñoz at JC De Vera. Ito rin ang unang seryeng pagbibidahan ng tambalang AlEmpoy nina Alessandra De Rossi at Empoy.

At mapapawi na ang pagkasabik ng fans sa pagbabalik-tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa Sana Dalawa ng Puso, kung saan makakasama rin nila si Robin Padilla.

Pagsubok ng pagmamahalan naman ang haharapin nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa bagong serye nilang Playhouse.

Daan-daang advertisers ang lumahok at nakisaya sa trade event sa ABS-CBN Vertis Tent na dinaluhan din ng pinakamalalaking bituin ng Kapamilya network.

Lubos nilang pinalakpakan ang performances ng It’s Showtime family sa kanilang 80s-inspired dance production. (DS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?