53

Jan 14, 2022 @ 20:12
By

Jodi may payo sa mga kabit

Nagbigay payo si Jodi Sta. Maria sa mga kababaihang inlab sa may sabit na.

Sabi ni Jodi, sana raw ay makita ng mga kerida ang halaga nila — na hindi itinatago ng mga karelasyon nila.

“I do hope that you’ll see your worth. That you are worthy enough na hindi itago — na hindi gawing kept woman. Pero ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan,” lahad niya sa isang virtual press conference.

Sa inaabangang series na “The Broken Marriage Vow”, gagampanan ni Jodi ang role ng isang doktora na niloko ng asawa.

Mahuhuli ni Dr. Jill Ilustre (Jodi) ang kanyang asawang si David Ilustre (Zanjoe Marudo) sa pangangaliwa, kung saan ipinagpalit siya sa mas bata na si Lexy Lucero (Sue Ramirez).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?