66

Apr 17, 2021 @ 10:28
By

Jodi binati sina Pampi, Iwa sa 9th anniversary

Isa si Jodi Sta. Maria sa mga bumati sa kanyang ex-mister na si Pampi Lacson, at Iwa Moto para sa kanilang siyam na taong pagsasama.

Sa Instagram post ni Pampi, nag-comment si Jodi, “Happy Anniversary @iampampi and @iam_iwa more years to come.”

Limang taong naging mag-asawa sina Pampi at Jodi bago maiulat ang kanilang hiwalayan noong 2011.

Namunga ang kanilang pag-iibigan, at maayos ang pakikitungo ng anak nilang si Thirdy kay Iwa, na ngayo’y karelasyon na ni Pampi.

Pinagdiwang nina Pampi at Iwa ang kanilang ninth anniversary, na ngayo’y may dalawa nang supling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?