388
Jobert nagalit sa pagwalk-out ni Morissette
Nov 7, 2019 @ 15:22

Jobert nagalit sa pagwalk-out ni Morissette

“You are an artist; you should know your priorities. ‘Di ka naawa kay Kiel? Birthday concert ng anak ko ‘to [pero] nasira nang dahil sa’yo!”

Birthday show sana ni singer Kiel Alo, alaga ng producer na si Jobert Sucaldito, sa Music Museum, ngunit naaberya dahil nag-cancel sa last minute si Asia’s Phoenix Morissette Amon.

Ilang minuto kasi bago ang 9 pm concert, naganap ang promotional interview ni Mario Dumaual kay Kiel at Morissette, kung saan natanong ang huli tungkol sa lovelife at pamilya nito.

‘Casual’ at ‘safe’ lang umano ang pagtatanong ni Dumaual at hindi mapanghimasok.

“It was handled so well. Mario wasn’t bastos…Hindi nag-over si Mario. He wasn’t out of bound,” giit ni Jobert sa midya, sa YouTube video ni Unlitok nitong Nov. 6.

Matapos ang panayam, nagulat na lang umano ni Jobert nang makitang inuuntog ni Morissette ang ulo nito sa dingding.

Ilang saglit pa, nalaman ng producer sa assistant niyang si David na “sobrang na-devastate” ang Asia’s Phoenix kaya hindi na ito makakakanta sa nasabing show, kasama si Eva Eugenio at iba pang star. “She felt she was attacked by the media,” ani David kay Jobert.

Bilang pampalubag-loob sa audience, gusto sana ni Jobert na papuntahin si Amon sa stage habang inaanunsiyo ni David ang hindi nito pag-perform. Para hindi isipin ng audience na naloko sila, ayon sa producer.

“We are saving all our faces here. Actually, kung artist ka, ‘The show must go on.’ Lahat naman tayo, may pinagdadaanang mga problema sa buhay. We have even worse,” giit ni Jobert.

“Everybody would agree, I’m sure, na lahat ay may mas malalaki pang problema, put*ngina, hindi lang lovelife at put*nginang ka ng tatay mo. [‘Yung] iba nga, namamatayan [pero] nagsho-show! Kasi may commitment, e,” dagdag niya.

Kaso nang inanunsiyo ni David ang hindi pagkanta ni Morissette, hindi umakyat ang singer. Kaya nadismaya si Jobert.

“Ikaw, celebrity, If you are a professional, deal it decently,” giit ng nadismayang producer.

“Kahit sabihin mo na libre ito, or you are paid a million bucks, parehas lang ‘yan, e: it is a commitment,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?