215

Jan 17, 2020 @ 10:05
By

Jo Koy VIP treatment sa Cebu

“I love the Philippines!” – ang bulalas ni Filipino-American comedian Jo Koy matapos escort-an ng mga pulis sa isang kalsada sa Mandaue City, Cebu.

Sa kanyang tweet ngayong Biyernes ng umaga, Enero 17, sinabi ni Jo Koy na naging 15 minuto na lang ang dapat ay dalawang-oras niyang biyahe pabalik sa tinutuluyang hotel.

Makikita sa video ang dalawang naka-motorsiklong tauhan ng Cebu Police sa unahan ng sinasakyan niyang kotse, na hinahawi ang mga motorista na kanilang nilampasan.

Hindi naman natuwa ang ilang Pinoy sa nangyaring wang-wang sa komedyante.

Ngayong araw gaganapin ang kanyang “Jo Koy Just Kidding World Tour” dahil walang katiyakan sa flight schedules dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal. Dapat magaganap ito noong Enero 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?