78

Jan 6, 2020 @ 19:34
By

Jo Koy shows sa ‘Pinas, sold out agad!

Nasa Pilipinas si Filipino-American comedian Jo Koy.

Sa kaniyang Instagram, binahagi niya ang video ng kaniyang pagdating sa bansa.

Masaya rin niyang binalita at nagpasalamat siya na sold out agad ang tiket para sa dalawa niyang show sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu sa January 14 at sa Mall of Asia Arena sa January 15.

Nakilala si Jo Koy dahil sa mga joke niya na karamihan ay tungkol sa kaniyang Filipino heritage. Nagbida siya sa Netflix stand-up comedy show na “Comin’ In Hot”.

“Just landed in the Motherland. @solaireresort taping Jan 11th is Sold Out! Also MOA Arena Jan 15th Sold Out! I LOVE THE PHILIPPINES! Mahal ko kayo. Maraming salamat!” tweet niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?