76

By

Jo Koy muling ‘pinagtripan’ ang mga Pinoy

Muling humirit ang US-based Pinoy comedian para muling gawing ‘katatawanan’ ang kapwa Pilipino.

Sa kanyang pagbati para sa Independence Day, inisa-isa ni Jo Koy ang mga common stereotype sa mga Noypi.

Ilan dito ang paggamit ng ice cream tub bilang lalagyan ng kung ano-ano, pagkahilig sa tsinelas, kanin, sandok at tabo, pagkanta ng ‘My Way’ sa videoke at marami pang iba.

Kasabay nito, inilabas na rin ng Netflix ang kanyang bagong comedy special na “Comin In Hot” na syempre, bida pa rin ang jokes na mabenta sa mga Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?