85
ABANTE jm angelinca part 2
By

JM humihirit ng part 2 kay Angelica

Nangangarap ng part 2 si JM de Guzman sa unang pelikula nilang dalawa ni Angelica Panganiban, ang “That Thing Called Tadhana”.

Kung sina James Reid at Nadine Lustre ay tila hindi pa handang gumawa ng team-up movie nila, si JM naman ay nangangampanya na para lang magkaroon ng book two ang blockbuster indie film nila ni Angelica.

Naka-post sa Instagram wall ni JM ang ilang video ng pagpaparamdam niya kay direk Antonette Jadaone na gawin nito ang script ng part 2 ng movie.

Pinoste ni JM ang video ng isang messenger conversation at sinasabing clip raw ‘yun ng magiging part 2 ng movie.

@1migueldeguzman, “That Thing Called Tadhana part 2? Tara inspire nating lahat si @tonet_jadaone tapusin ang script! Hahaha.”

Ito rin ang sumunod na posting ni JM na parang humahakot ng suporta sa kanyang mga followings na ikampanya ang part 2 ng pelikula.

Nagsimulang magpakita ng interes at paramdam si JM sa ninanais nitong continuation ng TTCT nang mag sunod-sunod ang pagkikita nila ni Angelica.

Sa isang video post, makikitang nasa loob ng elevator sina Joross Gamboa, Angelica, Ketchup Eusebio, Alwyn Uytingco at ang nakababatang kapatid ni Glaiza de Castro na si Alchris Galura.

Sa naging reaksyon ni direk Jadaone sa video post ni JM, mukhang excited din itong gawin ang pelikula. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?