393

Oct 24, 2018 @ 14:20
By

JM De Guzman walang pahinga, sabak agad sa teleserye

Matapos ng successful teleserye ng mahusay na actor na si JM de Guzman, ang ‘Araw Gabi’, may kasunod agad na aabangan ang kanyang mga tagahanga.

Excited si JM sa susunod niyang project. Hindi pa niya nire-reveal ang title ng teleserye, pero masaya siya dahil may follow-up agad na trabaho na binigay ang ABS-CBN.

Masaya ang mahusay na actor dahil muling nabalik ang tiwala sa kanya ng home studio.

May movie rin na ipalalabas ang actor kasama ang Kapuso artist na si Rhian Ramos, ang ‘Kung Paano Siya Nawala’.

Ipalalabas ang movie sa November 14 nationwide kung saan ang director ay si Joel Ruiz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?