By

JM de Guzman tuloy-tuloy na ang pagtalikod sa droga

Sharing is caring!

SANA nga ay tuloy-tuloy na talaga ang pagbabalik ni JM de Guzman. Sana nga for what, 2nd or 3rd time ba ng pagbabalik showbiz niya after niyang ma-rehab ay diretso na sa pagkakataong ito na matalikuran ni JM ang naging bisyo.

Marami talaga ang nanghihinayang sa actor dahil alam nilang mabait at mahusay talagang artista, bukod sa pagiging singer pa niya. Obvious naman na maraming naniniwala sa kanya dahil hayan nga at may gagawin na siyang pelikula.

At sana maisip din ni JM na masuwerte siyang talaga dahil sa kabila ng pinagdaanan niya, tinatanggap agad siya sa tuwing nagbabalik siya at hindi lahat nabibigyan agad ng endorsement or payag na agad ang brand na ma-associate.

Happy kami for him lalo na nang mabasa namin ang Instagram post niya na may launching daw ng ACER Swift at nandoon daw sila ni Jennylyn Mercado.

Balita namin, may gagawin nga raw na parang short online movie ang dalawa. So, naalala namin na dapat ay si JM ang leading man ni Jennlyn sa Walang Forever at hindi si Jericho Rosales, pero dahil nga sa nangyari sa kanya, napalitan siya.

Who knows, kung maganda ang magiging feed back sa gagawin nilang ito ni Jennylyn, ang maging kasunod ay pelikulang pagtatambalan na nga nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?